#AlumTBT

A re-post from “The Diliman Files”

(https://www.facebook.com/updconfessions?fref=nf)

 “Graduate na ako ng BS sa UP Diliman at Medisina sa UP Manila. Nakilala ko siya bilang isang working student noong bumisita ako sa isang spa sa QC, malapit sa tirahan ko. Isa syang therapist at naging regular client nya ako dahil malinis siyang tignan, mabait at may saysay kung magsalita. Nalaman ko lang sa mga sumunod na sessions namin na siya ay estudyante ng Eng’g sa UP Diliman. Galing siya sa isang mahirap na pamilya sa isang bayan sa Batangas at nawalan ng trabaho ang kanyang ama sa kalagitnaan ng kanyang pag-aaral, kaya napilitan siyang maging sex worker. Naawa ako sa kanya, at dahil inaamin kong gusto ko rin siya, nag indecent proposal ako na maging sugar daddy niya at tumigil na siya sa pagtatrabaho.

Pumayag naman siya pero pinaalala niya sa akin na siya ay straight. Ok lang naman sa akin dahil mababaw lang ang kaligayahan ko. Gusto ko lang ng bedfellow, companion sa mga lakad, kausap kung may problema sa buhay. Ayos na ako sa cuddling, konting kissing at necking. Sa napakadalang na pagkakataon, may sex din na namagitan sa amin pero hindi ko ito ginusto o hinanap, kasi pakiramdam ko messy at hindi naman talaga nya gusto. Naging ideal siyang partner. Pinilit nyang ibigay lahat ng pangangailangan ko. Sustendado ko naman ang pag aaral niya, plus konting mga luxuries, at tulong na financial din sa pamilya nya. May mga naging problema kami ngunit walang major. Naging bukas ang FB at cellphone inbox nya sa akin. Pinapakita rin nya ang mga grades nya. Hanggang sa nakatapos na siya at nakapasa na sa board. Kinausap ako na gusto na nyang mamuhay ng “”normal.”” Napakalungkot pero pumayag na ako dahil mahal ko siya at gusto ko siyang lumigaya sa buhay.

Ngayon, may magandang trabaho na siya at may nobya na…malapit nang magpakasal. Nag iisa ngayon ako sa buhay at naghahanap ng tulad nya…

empty nester, md

CAS